Ilang bahagi ng Metro Manila, makararanas ng brownout ngayong araw bunsod ng pag-aayos sa ilang poste ng kuryente ayon sa Meralco

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 556

BROWNOUT 031515
Makararanas ng power interruption ang ilang bahagi ng Metro Manila ngayong Lunes.

Sa abiso ng Meralco, pitong oras na mawawalan ng kuryente ang Barangay Pamplona Dos sa Las Piñas mula 08:00AM hanggang 03:00PM at ang Barangay San Antonio sa Makati mula 09:00AM hanggang 04:00PM.

Magkakaroon din ng brownout sa bahagi ng Naia Road sa Paranaque at Pasay Road na aabot naman ng limang oras mula 09:00AM hanggang 02:00PM .

Ayon sa Meralco, dulot ito ng gagawin nilang pagpapalit ng mga lumang poste ng kuryente.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0