Ilang byahe ng bus patungong mga probinsya sa long holiday, fully booked na

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 884

IMAGE_MAR192014_UNTV-News_BUS-STATION
Fully booked na ang biyahe ng ilang bus company patungong probinsya, ilang linggo bago ang long holiday.

Karamihan ng pasahero ay patungo ng Bicol at Visayas na bibiyahe sa araw ng Martes hanggang Biyernes.

Samantala, simula March 23 ay lifted ang number coding sa mga provincial bus upang ma-accomodate ang mga lahat ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya.

Sa susunod na linggo naman ay maglalagay na ng mga assitance desk ang Philippine National Police sa mga strategic locations at maging sa mga bus terminal airport at pantalan upang umalalay sa ating mga kababayang magbabyahe ngayon long holiday.

Tags: , , ,