Ilang byahe ng bus pauwi ng probinsya ngayong long holiday, fully booked na

by Radyo La Verdad | December 19, 2017 (Tuesday) | 1210

Dagsa na ang mga napapa-book na pasahero na uuwi sa mga probinsiya sa paparating na long holiday.

Dahil dito, maraming bus company na ang nag-apply  ng special permit sa LTFRB para sa karagdang biyahe ng kanilang mga bus pauwi ng probinsiya.

Sinabi  ni  Attorney Aileen Lizada, tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, ilalabas nila ang special permit bago dumating ang December twenty one.

 

Tags: , ,