Ilang domestic flights, kanselado dahil sa bagyong Ramil

by Radyo La Verdad | November 1, 2017 (Wednesday) | 1794

Kanselado ang biyahe ng ilang domestic flights dahil sa epekto ng bagyong Ramil.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 821 882 Manila to Virac, Catanduanes pabalik. Gayundin ang Cebu Pacific Flight 5J 506 507 Manila to Tuguegarao at Tuguegarao to Manila.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline companies o travel agencies para sa rebooking ng ticket.

Tags: , ,