Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng rollback bukas

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 709

OILPRICE ROLLBACK

Nakatakdang magpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas.

Simula mamayang alas-dose ng hatinggabi, magpapatupad ng P0.50 sentimos na rollback sa kada litro ng gasolina ang Shell.

Aabot naman sa P1.10 ang itatapyas ng Shell sa kada litro ng kerosene, P0.85 sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ng price rollback ang kumpanyang Petron epektibo mamayang alas-dose ng hatanggabi.

Magkakaroon ng P0.85 na bawas sa presyo ng kada litro ng diesel, P0.55 bawat litro ng gasoline at P1.10 naman sa kada litro ng kerosene at Jet A-1.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , , ,