Ilang lugar sa Cavite at Metro Manila, maaapektuhan ng water interruption ng Maynilad

by Radyo La Verdad | September 16, 2015 (Wednesday) | 605

MAYNILAD
Sampung siyudad sa Metro Manila at ilang lugar sa Cavite ang maaapektuhan ng pitong oras na water interruption ng Maynilad Water Services.

Batay sa abiso ng maynilad, magsisimula ang water interruption mamayang alas-nuebe ng gabi natatagal hanggang alas-kwatro ng madaling araw bukas.

Kabilang sa maaapektuhana ng lugar ng:
Makati
Malabon
Manila
Las Piñas
Muntinlupa
Navotas
Parañaque
Pasay
Valenzuela, at
Quezon City.

Gayundin, maaapektuhan ng water interruption ang ilang lugar sa Cavite kabilang na ang Imus, Noveleta at bayan ng Rosario.

Samantala, magpapatupad naman ang Manila Water Company ng water pressure reduction sa lunes mula alas-dyes ng gabi hanggang ala-singko ng umaga.

Tags: , ,