Ilang lugar sa Metro Manila at karatig na lalawigan, mawawalan ng supply ng kuryente ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 3652

Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig na lalawigan.

Alas otso kaninang umaga nawalan ng kuryente sa Barangay Manuyo Dos, Las Pinas City at tatagal hanggang mamayang ala una ng hapon.

Alas nuebe naman ng umaga hanggang alas dos ng hapon sa Sitio Pila Barangay Catmon sa Sta.Maria, Bulacan at sa Barangay San Cristobal, Calamba at Barangay Banlic, Cabuyao Laguna.

Alas diyes naman ng umaga hanggang alas tres mamayang hapon sa bahagi ng Barangay San Roque sa Pateros at Barangay Palingon sa Taguig City, gayundin sa Barangay Nigan sa Pililia, Rizal.

Alas diyes din ng umaga hanggang alas quatro naman ng hapon sa Barangay Bagumbayan, Marilag at Milagrosa sa Project 4, Quezon City.

Tags: , ,