Ilang major sponsors ni Maria Sharapova, binawi na suporta sa atleta

by Radyo La Verdad | March 9, 2016 (Wednesday) | 1566

SHARAPOVA
Matapos ang pag-aanunsyo ni Maria Sharapova na bumagsak ito sa drug test ng Australian open ay ilang major sponsor ang nag-withdraw ng suporta ng atleta.

Kabilang sa mga ito ang mga multinational corporation na Nike, Tag Huer at Porsche.

Una ng inihayag ng 28-anyos na five-time grand slam champion na si Sharapova, na nagpositibo siya sa gamot na meldonium.

Ayon kay Sharapova, sampung taon na niyang ginagamit ang naturang gamot ngunit hindi niya alam na ipinagbabawal na ito simula noong January 1.

Pinuri naman ng kasalukuyang world number one sa women’s tennis na si Serena Williams si Sharapova dahil sa pagpapakita nito ng lakas ng loob at pag amin sa pagkakamaling nagawa.

(UNTV NEWS)

Tags: