Ang tamang pagbalot at pag-label sa isang produkto, lalo na ng pagkain, ay mahalaga upang ito ay maging kaaya-aya at agad maibenta sa publiko.
Kapag maganda ang packaging, kumpleto sa impormasyon gaya ng ingredients, manufacturer at expiry date, mas malaki ang posibilidad na tatangkilikin ito ng consumer.
Dito sa Iloilo, karamihan sa mga ibinibentang lokal na produkto ay nakabalot lamang sa plastic o box at typewritten lamang o kaya’y printed ang label.
Upang maka-agapay sa standard, isang product labeling and packaging training ang idinaos ng lokal na pamahalaan ng iloilo katuwang ang Department of Science and Technology.
Ikinatuwa naman ng mga maliliit na negosyante ang training na malaking tulong sa marketing ng kanilang mga produkto.
Tinuruan din sila ng mga angkop na packaging sa mga produkto gaya ng mani, peanut butter, potato chips at tinapay.
Ang packaging and labeling training ay isa lamang sa mga proyekto ng DOST na layong makatulong sa micro, small and medium entrepreneurs.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: DOST, Ilang maliliit na negosyante, Iloilo, standard product labeling and packaging training
METRO MANILA – Unti unti nang humihina ang epekto ng El niño phenomenon sa bansa.
Bunsod nito, ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, posibleng maranasan naman ang La niña pagsapit ng buwan ng Hunyo.
Sa panahong ito , inaasahan ang mas madalas na mga pag-ulan.
Sa pag-iral ng La niña, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Climate Monitoring and Prediction Chief Analiza Solis , posibleng umabot sa 13 hanggang 16 na bagyo ang pumasok sa bansa ngayong taon.
Mas marami ito kumpara sa pumasok na 11 bagyo noong nakaraang taon dahil sa epekto ng El niño phenomenon.
Subalit mas mababa sa average na bilang na 20 bagyo na pumapasok sa bansa kada taon.
Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA at si DOST Secretary Solidum na magiging maikli ang panahon ng preparasyon sa paparating na bagyo dahil mas malapit sa kalupaan ang pamumuo nito.
METRO MANILA – Nagpatawag ng pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Junior kahapon (December 12) para sa El Niño National Action Plan.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, nakapaloob sa action plan ang mga hakbang para matiyak ang water, food at energy securities.
Nais ng pangulo na mas maging mabilis at “realistic” ang magiging hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng El Niño.
“Ang utos ni president would be to categorize actions into short and medium. Iyong short, kaagad-agad, iyong madali. We have to be realistic. So marami naman talagang nakaplano at ginagawa na, we just have to make sure that the coverage would also expand according to the forecast.” ani Department of Science & Technology (DOST) Sec. Renato Solidum Jr.
METRO MANILA – Hindi konektado ang pagkasira ng corals sa West Philippine Sea (WPS) sa pagkabuo ng mga tsunami ayon sa Department of Science and Technology (DOST), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa pagdinig ng senate committee on finance sa proposed budget ng DOST, walang kinalaman ang coral destruction sa pagkabuo ng tsunami.
At dahil nakalubog at nasa mababaw lang namang bahagi ang mga nasirang bahura, hindi rin malaki ang magiging epekto nito sa pagkontrol ng malalaking alon.