Ilang mall sa Metro Manila, may adjustment sa kanilang operating hours ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 1, 2017 (Wednesday) | 2864

Magpapatupad ng adjustment sa kanilang operating hours ang ilang mall sa Metro Manila ngayong araw, November 1.

Karamihan ng SM Supermall branches, Trinoma Malls at Greenhills Shopping Center ay magbubukas ng alas dose ng tanghali at magsasara naman ng alas-diyes ng gabi.

Habang ang Glorietta, Greenbelt at Market Market ay magbubukas ng alas dose ng tanghali at magsasara ng alas nueve ng gabi.

Balik naman ang mga ito sa normal operation na 11:00 am to 11:00 pm sa Huwebes, November 2.

 

Tags: , ,

Babayarang multa sa illegal parking, mananatili sa P1,000 – PBBM

by Radyo La Verdad | April 25, 2024 (Thursday) | 71202

METRO MANILA – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na mananatili sa P1,000 ang babayarang multa para sa illegal parking ng mga mahuhuling motorista.

Ipinatigil na muna ni PBBM ang probisyon ng joint traffic circular ng Metro Manila Council na itaas ang multa para sa illegal parking mula P1,000 hanggang P4,000.

Naniniwala naman ang pangulo na madadaan pa sa disiplina ang mga motorista at magkakaroon ng pangmatagalang solusyon sa kinakaharap na problema sa trapiko sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila.

Tags: , ,

P500 dagdag sa sahod sa mga kasambahay sa Metro Manila at P20 sa minimum wage earner sa Caraga region, inaasahan sa 2024

by Radyo La Verdad | December 18, 2023 (Monday) | 61064

METRO MANILA – Inaasahan ang pagtataas sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila at mga minimum wage earner sa Caraga region matapos aprubahan ng kani-kanilang wage boards ang wage increase.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order na isinumite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Caraga at NCR noong December 13, 2023.

Sa inilabas na Moto Propio Wage Order ng Caraga RTWPB, noong December 5, madaragdagan ang daily minimum wage ng P20 sa lahat ng sector mula January 1, 2024.

Habang magkakaroon pa ng additional P15 sa second tranche sa May 1, 2024.

Samantala naglabas din ng Moto Propio ang RTWPB ng NCR noong Decembr 12, kung saan nakasaad na madadagdagan ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Dagdag pa ng DOLE, na ang wage orders ng RTWPB ng Caraga ay inilathala nitong December 16 at magiging epektibo 15 days mula sa publication nito

Habang ngayong December 18, 2023 naman ilalathala ang wage order para sa mga kasambahay sa NCR.

Tags: , ,

Extension sa operating hours ng MRT-3 at LRT-2, ‘di ipatutupad ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 6, 2023 (Wednesday) | 4308

METRO MANILA – Hindi na palalawigin pa ng management ng MRT-3 at LRT-2 ang oras ng biyahe ng kanilang mga tren ngayong taon.

Ito ay kahit nakagawian na noong nakalipas na mga taon ang pagkakaroon ng extension sa operating hours ng mga tren tuwing holiday season kung saan inaasahan ang dagsa ng mga pasahero bunsod ng extended mall hours sa Metro Manila dahil sa holiday rush.

Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3 hindi na nila kakayanin na mag-extend pa ng oras ng biyahe ngayong holiday season dahil maapektuhan nito ang oras na nakalaan para sa maitenance ng mga tren.

Ayon kay MRT-3 Officer-In-Charge at General Manager Assistant Secretary Jorjette Aquino, kung tutuusin ay kulang pa aniya ang 5 oras na window hours mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga para sa maintenance ng mga tren.

Gayunman, pinag-aaralan aniya ng MRT-3 na magpatupad ng libreng sakay sa December 25

Samantala, ipinahayag ni Light Rail Transit Authority Administrator Atty. Hernando Cabrera na hindi rin sila magpapatupad ng extension sa operating hours ng LRT-2 sa holiday season gaya sa mga nakalipas na taon.

Tags: , , ,

More News