Ilang mga Cebuano, nagsagawa rin ng rally kasabay ng paggunita sa EDSA 1

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 4284

GLADYS_EDSA
Nagsagawa rin ng rally ang ilang kababayan natin sa Cebu kaugnay pa rin ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA Uno.

Pasado alas nueve ng umaga nang magsimulang magtipon ang mga miyembro ng Bayan Central Visayas dito sa Cebu City upang magsagawa nga ng kilos protesta.

Isinagawa ang demonstrasyon kasabay ng paggunita sa ika-tatlumpung taon ng EDSA Uno o People Power Revolution.

Kasama rin sa nagsagawa ng protesta ang grupong Piston, Anakpawis at Akbayan.

Layunin ng grupo na tuluyang mawaksi sa bansa ang diktatoryang Marcos at ipanawagan sa pamahalaan na labanan ang korapsyon.

Nais din ng mga ito na matigil ang kahirapan, panggigipit sa mamamayan at pagsikil sa karapatang pantao.

Samantala, may iilang mga pulis na nakaantabay sa lugar upang magbantay at masigurong walang sinomang masasaktan sa isinasagawang demonstrasyon.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,

Pag-alis ng bike lane sa Edsa, pinag-aaralan ng MMDA

by Radyo La Verdad | April 24, 2024 (Wednesday) | 19416

METRO MANILA – Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang

pag-alis ng bicycle lane sa Edsa.

Plano ng ahensiya na palitan na lamang ito ng motorcycle lane.Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ito ay dahil aabot lang naman sa 1,500 ang mga bisikletang dumaraan sa Edsa kada araw habang nasa 117,000 na motorsiklo ang gumagamit ng lansangan bawat araw.Sa ngayon ay wala pa naman aniyang deadline para sa pag-aaral ng MMDA at Department of Transportation (DOTr) para sa
motorcycle lane sa Edsa maging sa pag aalis ng bicycle lane.




Tags: , ,

Pagbigat ng traffic sa Metro Manila, asahan na ngayong Holiday Season dahil sa pagdami ng mga sasakyan – MMDA

by Radyo La Verdad | November 15, 2022 (Tuesday) | 21567

METRO MANILA – As of November 10, 2022, nasa 398,000 na ang bilang ng mga sasakyan na araw-araw na bumabagtas sa kahabaan ng Edsa.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), halos katumbas na ito ng pre-pandemic level na umaabot ng nasa higit 400,000.

At ngayong holiday season mas madadagdagan pa ito dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa shopping malls pagsapit ng holiday rush.

Upang maibsan ang inaasahang matinding pagtukod ng traffic sa Edsa, nagpatupad na ng adjusted hours ang mga mall na may operating hours mula 11am hanggang 11pm.

Bukod dito, suspendido na rin ang excavation activity o paghuhukay sa Metro Manila hagggang sa January 6 upang hindi magdulot ng pagsikip ng trapiko ngayong holiday season.

Pero meron namang mga exception tulad na lang ng flagship program ng gobyerno na maaari pa ring ituloy ang construction.

Samantala nagpakalat na ang mmda ng ng mas maraming bilang ng mga traffic enforcer sa mga lugar na may matinding volume ng mga sasakyan.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: , , ,

Bigat ng daloy ng trapiko sa Edsa mababawasan ng 20% – 30% ngayong taon – DPWH

by Erika Endraca | January 23, 2020 (Thursday) | 35363

METRO MANILA – Oras na makumpleto at mabuksan ang Metro Manila Skyway Stage 3 sa buwan ng Abril, nasa 100 Libong sasakyan ang mababawas sa Edsa.

Bukod pa ito sa 30 Libong trucks na mababawas din sa naturang major thoroughfare oras na matapos ang NLEX Harbor Link Segment 10 na nakatakda namang buksan sa Marso.

Kaya naniniwala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ngayong taon, mag-uumpisa nang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa Edsa na itinuturing na worst traffic spot Sa Metro Manila.

“With the second half of this year, we will relieve Edsa of 20-30 percent. Malaki po ang improvement sa Edsa and for the first year, starting this year and in subsequent years, we will see continued improvement along Edsa ” ani DPWH Sec. Mark Villar.

Bukod pa ito sa mga proyektong tulay, bypass roads at skyways na bahagi rin ng Build, Build, Build infrastructure projects ng Duterte Administration.

“Pag natapos na yung skyway, luluwag na ang edsa sa term ni president, madedecongest natin ang Edsa at yung 5-minute from Cubao to Makati, possible po, magagawa natin ” ani DPWH Sec. Mark Villar.

Tiwala rin ng opisyal na kung matatapos lahat ng proyektong imprastraktura, malaki ang posibilidad na maibalik sa 280,000 vehicle-capacity ang Edsa. Sa ngayong umaabot sa 400 Libong sasakyan ang bumabaybay sa Edsa araw-araw.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,

More News