Ilang mga residente na nakatira malapit sa Pampanga river, ayaw lumikas sa kabila ng mataas na ang tubig baha

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 2062

vlcsnap-2015-10-21-11h16m21s519

Bagamat maganda na ang lagay ng panahon sa lalawigan ng Pampanga simula pa kahapon ay lumubog pa rin sa tubig baha ang maraming mga barangay dito.

Ito ay dahil sa pag-apaw ng tubig sa Pampanga river sanhi ng tuloy-tuloy na pagbaba ng tubig mula sa mga lalawigan gaya ng Nueve Ecija, Tarlac at Zambales.

Ang baha na may kasama pang lahar at putik ay umaagos ngayon patungo sa Pampanga river basins.

Apat napu’t walong barangay pa rin ang apektado ng mga pagbaha.

Ngunit sa kabila ng mataas na ang tubig baha sa kanilang lugar at pinasok na ang kanilang bahay ay mayroon paring ilang mga residente na ayaw magsilikas.

Sa bayan naman ng Macabebe at bayan ng Masantol, maraming mga kababayan natin na nakatira malapit mismo sa Pampanga river na lubog sa tubig ang kanilang bahay ay hindi parin umaalis sa kanilang lugar.

Ayon sa kanila, masyadong malayo ang inilaang evacuation center ng lokal na pamahalaan.

Sa pinakahuling ulat ng PDRRMO, umaabot na sa halos walumpung libong indibidwal ang apektado ng baha sa Pampanga o katumbas ng mahigit sa labimpitong libong pamilya.

(Joshua Antonio / UNTV News Correspondent)

Tags: , ,