Ilang miyembro ng LP, lumipat sa PDP-Laban

by Radyo La Verdad | May 17, 2018 (Thursday) | 2429

Ilang miyembro ng Liberal Party ang lumipat sa administration party na PDP-Laban.

Ngayong umaga isinagawa ang pormal na panunumpasa partido nina QC 5th District Rep. Alfred Vargas, Quirino Rep. Dakila Cua at Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez sa Club Filipino sa Greenhills.

Kasabay nito ang paglulunsad ng Sulong ang Pag-unlad Movement (SAPM) ang grupo na sumusuporta kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Ang SAP movement ay binubuo ng nasa 600 miyembro na mga dati ay kasalukuyang opisyal ng gobyerno, NGO at mga negosyante na pinamumunuan ni dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy.

Ang grupo ay humuhikayat kay Special Assistant to the President Bong Go para tumakbo bilang senador sa 2019 elections.

 

Tags: , ,