Ilang paaralan sa Metro Manila Walang Pasok sa kasagsagan ng SEA Games

by Erika Endraca | November 27, 2019 (Wednesday) | 568

METRO MANILA – Nagsuspinde ng pasok  ang ilang paaralan sa Metro Manila ang sa kasagsagan ng 30th Southeast Asian Games base narin sa rekomendasyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang makaiwas sa matinding traffic.

Walang pasok simula December 2 – 7 ang De La Salle University Manila Campus, Arellano University School of Law at Saint Scholastica’s College.

Habang ang class suspension ng St Paul College Pasig at Saint Pedro Poveda College may simula December 2 – 6 lamang.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,