Ilang parmasya sa India, nag-strike

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 1055

INDIA_PHARMACY
Ilang maliliit na chemists shop ang nagsara kahapon para sa pagtutol sa lumalaking industriya ng online pharmacy.

Walong daang libong maliliit na parmasya ang nakilahok sa strike.

Ilang tao sa Southern Hyderabad city na dumating upang bimili ng gamot ang binati ng mga saradong parmasya at banners na humihingi ng tawad sa abalang idinulot ng strike.

Ang one-day national strike ay inorganisa ng All India Organization of Chemists and Druggists o AIOCD.

Ayon sa mga drug retailers may mga gamot na mabibili sa e-pharmacy na maaaring maabuso at masmadaling bumili ng mga prescription drugs ng maraming beses.

Nagsimula na din magkaroon ng pagsisiyasat sa mga online retailer matapos matuklasan ng mayroong nagbebenta ng mga prescription medicine kahit wala silang reseta noong Mayo.

Tags: ,