Ilang pasahero sa NAIA terminal 3 delayed ang flight

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 1617

delayed-flights
Dismayado ang ilang pasahero ng NAIA Terminal 3 matapos maantala ang kanilang mga flight ngayong araw.

Kahapon, batay sa datos ng NAIA, umabot sa 42 ang naantalang flight habang 10 naman ang nakansela.

Kaugnay nito, ipinahayag ng pamunuan ng NAIA Terminal 3 na kung lalagpas ng tatlong oras ang delayed ay maaaring mag demand ng accomodation ang mga pasahero sa airline company.

Gayundin ay mayroon din dapat maibigay na pagkain ang pamunuan para sa mga pasahero.

Samantala, maaaring naman magsumbong sa Civil Aeronautics Board ang mga pasahero upang matugunan ang kanilang mga hinaing.

Sinigurado naman ng management na gumagana lahat ng mga x-ray machines upang maiwasan ang congestion sa mga gate.

Tiniyak din ng mga airline company na matatauhan ang lahat ng mga counter upang hindi na maulit ang nangyari noong Disyembre na kung saan marami ang delayed at naiwan ng flight. (Mon Jocson,UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , ,