Ilang PNP Official na pinangalanang sangkot sa iligal na droga, itinaggi ang akusasyon

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1314

pagdilao-tinio
Ikinagulat nina former PNP National Capital Region Director Joel Pagdilao at dating Quezon City Police District Chief Edgardo Tinio ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sila sa mga mataas na opisyal ng PNP na sangkot sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Itinanggi nila ito at sinabing handang humarap kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa at sumailalim sa imbestigasyon upang linisin ang kanilang pangalan.

Payag din ang mga itong sumailalim sa lifestyle check.

Dagdag pa ni Chief Superintendent Edgardo Tinio, sa oras na malinis na ang kaniyang pangalan, ay agad siyang magpa-file ng early retirement.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: ,