Ilang pulis, LGU at sibilyan binigyang-pagkilala sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Police Service sa Nueva Ecija

by Radyo La Verdad | October 3, 2017 (Tuesday) | 2922

Nakatangap ng Plaque of Recognition mula sa Nueva Ecija Police Provincial Office ang provincial government, 9 na alkalde, ilang pulis at indibidwal dahil sa kanilang serbisyo,  pakikiisa at pagsuporta sa lahat ng programa ng PNP.

Ayon sa PNP, malaki ang ginagampanang papel ng publiko at local officials upang mapanatiling ligtas ang komunidad.

Kaya naman ipinakikita nila ang kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkilala sa mga grupo o indibidwal na may katangi-tanging kontribusyon sa kanilang programa.

Isinagawa ito bilang bahagi ng ika-isangdaan at labing-anim na anniversary celebration ng police service ng Nueva Ecija Police Provincial Office.

Inilatag din ng PNP Region 3 ang kanilang priority program sa susunod na mga buwan gaya ng patuloy na pagsugpo sa  iligal na droga, internal cleansing sa kanilang hanay at improvement ng public safety forces.

 

 

Tags: , ,