Ilang taga suporta ng pinatay na Trece Martires City Vice Mayor, sama-samang nag-noise barrage

by Radyo La Verdad | August 16, 2018 (Thursday) | 158

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE – Nag-noise barrage sa ilang lugar sa Trece Martires City ang mga taga-suporta ng pinatay na Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan.

Ginawa nila ito upang maipakita ang kanilang kampanya sa panawagan ng paghingi ng hustisya matapos ang mahigit isang buwan mula ng patayin ito.

Ayon sa asawa ni Vice Mayor Lubigan na si Gemma, malaking tulong sa pagpapalakas ng loob ng kanilang pamilya ang isinagawang noise barrage ng mga taga-suporta ng yumaong bise alkalde.

Tiwala naman ang pamilya Lubigan sa resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng pulisya bagama’t may takot pa rin sila para sa kanilang kaligtasan.

Bilang proteksyon ay may ipinadala namang tauhan ang pulisya na magbabantay sa paligid ng bahay ng bise alkalde.

Tags: , ,