Imbestigasyon at dismissal proceedings sa ‘narco-generals’, target tapusin sa loob ng isang buwan – NAPOLCOM

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1649

napolcom_official_logo
Bumuo na ang National Police Commission o NAPOLCOM ng grupong mag-iimbestiga sa mga heneral na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa illegal drug trade.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, tututukan ng imbestigasyon ang tatlong police generals na kasalukuyan pang nasa serbisyo na sina Director Joel Pagdilao, Chief Superintendents Bernardo Diaz at Edgardo Tinio.

Ang kaso naman ng retiradong heneral na si Marcelo Garbo Junior, na napabalitang nasa labas ng bansa, ay hahawakan ng Department of the Interior and Local Government.

Ang Department of Justice at National Bureau of Investigation ang hahawak sa kaso sa dating heneral at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Ayon kay Casurao tatapusin nila ang imbestigasyon sa loob ng pitong araw at ang actual summary dismissal proceedings ay maaring tumagal ng isang buwan.

(UNTV News)

Tags: , , ,

PBBM, hinikayat ang mga ahensya ng pamahalaan na suportahan ang NCPP

by Radyo La Verdad | May 8, 2023 (Monday) | 7222

METRO MANILA – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang Memorandum Circular No. 19 na hinihikayat ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at mga Local Government Unit (LGU) na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP).

Sa ilalim ng Memorandum Circular, ang direktiba ay naaayon sa adapsyon ng “whole-of-government” approach sa pagtugon sa kriminalidad at pagtiyak ng kapayapaan at seguridad sa bansa.

Pangungunahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagpapatupad ng implementasyon ng NCPP 2023 na layong bumuo ng mga estratehiya upang tiyakin ang kapayapaan at seguridad ng bansa sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Binuo ng NAPOLCOM ang NCPP sa pamamagitan ng Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice nito na isang inter-disciplinary body na binubuo ng mga kilalang eksperto mula sa mga ahensya ng gobyerno at non-government organization na may kinalaman sa criminal justice system.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,

Promosyon ni NCRPO Director CSupt. Guillermo Eleazar sa ranggong 2-star general, aprubado na ng Malacañang

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 9437

Aprubado na ng Malacañang ang promosyon ni NCRPO chief Guillermo Eleazar sa ranggong police director na katumbas ng major general sa militar.

Ito ay base sa rekomendasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) para sa promosyon ni Eleazar na nilagdaan ni DILG Sec. Eduardo Año noong ika-23 ng Hulyo.

Ang approval ng Malacañang na may petsang ika-16 ng Agosto ay ipinadala na sa tanggapan ni DILG Secretary Eduardo Año.

Si Eleazar ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) class of 1987.

Bago siya itinalagang NCRPO Director, nanungkulan si Eleazar ng dalawang buwan bilang director ng PRO 4A o Calabarzon, pagkatapos ng kanyang panunugkulan bilang QCPD director.

 

Tags: , ,

Mga kadete na nambugbog sa anim na graduates ng PNPA Maragtas Class, ipatatanggal ng Napolcom

by Radyo La Verdad | March 26, 2018 (Monday) | 6958

Hindi katanggap-tanggap ang insidente ng pambubogbog sa Philippine National Polie Academy (PNPA) noong March 21, matapos ang graduation rites ng Maragtas Class of 2018.

Ayon kay Napolcom Vice Chairman Rogelio Casurao, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon kung bakit nabugbog ang anim na bagong graduate.

Aniya, hindi na dapat magtagal sa academy ang mga kadete na nambugbog dahil sa hindi magandang disiplina ng mga ito. Dapat din aniyang makasuhan ang mga ito ng kriminal at administratibo.

Naaalarma naman si PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa sa ugali ng mga kadete.

Aniya, kung bahagi ito ng tradisyon, hindi aniya tama na bugbugin na halos mamatay na ang mga biktima dahil sa mga tama sa ulo.

Sinabi naman ni PNPA Director Chief Superintendent Joseph Adnol, sa apatnapu’t isang kadete na sangkot sa pambubugbog, siyam ang maaring kasuhan ng kriminal at labinlima naman ay mahaharap sa administrative case.

Ayon kay Adnol, personal na galit ang motibong nakikita nila sa insidente. Kinumpirma rin nito na nakalabas na ng ospital ang anim na sugatan at ligtas na sa ano mang kapahamakan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,

More News