Imbestigasyon ng NAPOLCOM sa 3 heneral na umano’y protektor ng drug syndicates, hindi pa tapos

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 1650

napolcom_official_logo
Hindi pa tapos ang imbestigasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM sa tatlong police generals na umano’y protektor ng drug syndicates sa bansa.

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rogelio Casurao, kasalukuyang pa rin silang kumakalap ng sapat ebidensya.

Ngayong araw sana magtatapos ang pitong araw na ipinangakong deadline ng NAPOLCOM sa imbestigasyon.

Ang tatlong heneral ay ang mga dating PNP officials na sina National Capital Region Police Office Chief Director Joel Pagdilao, Western Visayas Regional Director Chief Supt. Bernardo Diaz, Quezon City Police District Director Chief Supt. Edgardo Tinio.

Kabilang ang mga ito sa limang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anibersaryo ng Philippine Airforce kamakailan na tinaguriang “Narco Generals.”

Tags: , ,