Imbestigasyon ukol sa mga basura ng Canada, isusulong sa Senado

by dennis | July 28, 2015 (Tuesday) | 1871

viber image21

Iimbestigahan ng Senate committees on local government at natural resources ang pagtatapon sa bansa ng mga basura galing Canada.

Ayon kay Senador Bongbong Marcos, miyembro ng committee on natural resources, layunin ng imbestigasyon, na higpitan ang pangangalaga sa kalusugan ng publiko, at ang kalikasan sa mga toxic at hazardous materials.

Ipinagtataka ni Marcos, paanong nakarating sa bansa ang mga basura gayong naratipikahan kapuwa sa Canada at Pilipinas noon pang 1992 at 1993 ang Trans Boundary Movement of Hazardous Waste o ang batas na nagbabawal sa pagkalakal ng mga toxic at hazardous waste sa bansa maliban na lang kung ito ay pahihintulutan.

Sa kasalukuyan, 26 na container vans ng basura mula sa Canada ang naitapon na sa isang private landfill sa Sitio Kalangitan, Capas, Tarlac na inio-operate ng Metro Clark Waste Management Corporation.(Meryll Lopez/UNTV Radio)