Impeachment vs resigned COMELEC Chair Andy Bautista, tinapos na ng Kamara

by Radyo La Verdad | October 25, 2017 (Wednesday) | 2732

Hindi na itinuloy ng Justice Committee sa Kamara ang pagsusulat ng articles of impeachment laban kay resigned COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Committee Chairman Congressman Reynaldo Umali, nagkasundo ang kumite na tanggapin nalang ang mga ebidensya mula sa mga resource persons na gagamitin sana sa pagsususlat ng articles of impeachment bilang bahagi na lang ng proseso.

Maglalabas ng committee report ang Justice Committee kung saan pagtitibayin sa plenayo na pormal na nilang tinatapos ang proseso ng impeachment laban kay Bautista.

 

 

Tags: , ,