Implementing Rules and Regulations para sa work- from-home scheme, inilabas na ng DOLE

by Radyo La Verdad | April 16, 2019 (Tuesday) | 1931

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department Of Labor And Employment (DOLE) ang implementing rules and regulations para sa Telecommuting Act o mas kilala bilang work-from-home scheme.

Sa ilalim ng batas, maaaring makapagtrabaho mula sa kanilang bahay o sa labas ng opisina ang isang empleyado ng pribadong sektor.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, “Bahagi ng panuntunan na hindi dapat bababa sa minimum na pamantayan sa paggawa na itinakda ng batas.”

Kasama na rito ang oras ng pagta-trabaho, tamang bayad, sapat na araw ng pahinga, leave at social benefits at iba ang karapatan ng isang empleyado.

Ang naturang batas ay magiging epektibo labing limang araw matapos itong mailathala.

Tags: , , ,