Inaabangang anunsyo ni Senator Grace Poe, hindi ikinababahala ng Liberal party

by Radyo La Verdad | September 16, 2015 (Wednesday) | 4821

DRILON
Mamaya na nga magaganap ang importanteng anunsyo ni Senator Grace Poe sa UP Diliman bahay ng Alumni kaugnay sa kaniyang magiging desisyon sa darating na halalan sa 2016.

Ngunit para kay Senate President Franklin Drilon, Vice Chairman ng Liberal party, hindi sila nababahala sa magaganap na anunsyo ni Poe dahil noon pa man ay sinasabi na niya sa partido na tigilan na ang panliligaw kay Poe dahil nakikita ni Drilon na buo na ang desisyon ng senadora sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Dagdag pa ni Drilon, si Secretary Mar ay patuloy nang nakikipag-usap sa mga prospective vice presidentiables gaya nila Representative Leni Robredo, Governor Vilma Santos Recto at Senator Alan Peter Cayetano.

Paglilinaw ni Drilon na hindi consensus ng Liberal Party ang pagpili ng running mate ni Secretary Mar, kundi hahayaan nila si Roxas na pumili ng kaniyang magiging ka-tandem dahil mahalaga na kasundo niya ang kaniyang ka-tandem.

Matapos ang kaniyang pagpili ay saka na lamang ito iraratipika ng partido.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,

Resulta ng 2019 UP College Admission Test o UPCAT, inilabas na

by Radyo La Verdad | April 1, 2019 (Monday) | 4528

QUENZON CITY, Philippines – Inilabas na ng University of the Philippines ang listahan ng mga pangalang nakapasa sa 2019 UP College Admission Test (UPCAT).

Sa twitter post ng UP, inanunsyo nito na maaari nang makita ang resulta ng UPCAT 2019 sa UP System Office of Admission sa UP Diliman Quezon City.

Oktubre noong nakaraang taon nang isagawa ang taunang UPCAT kung saan kumuha ng pagsusulit ang mahigit sa isang daang libong mga estudyante na nais makapagaral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Tags: , ,

Diwata-2 microsatellite ng Pilipinas, matagumpay na nailunsad mula sa Tanegashima Space Center sa Japan

by Radyo La Verdad | October 30, 2018 (Tuesday) | 14686

Live na nasaksihan sa UP Diliman, Quezon City kahapon ng tanghali ang launching ng ikalawang microsatellite ng Pilipinas na pinangalanang Diwata-2. Lulan ito ng isang H-IIA F40 rocket at ipinadala sa kalawakan mula sa Tanegashima Space Center sa Japan.

Binuo ito sa ilalim ng Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite o PHL- Microsat Program na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Kumpara sa Diwata-1 na inilunsad noong Marso 2016, mas mataas na ang altitude nito na aabot sa 620 kilometers. Mas malawak na lugar ang kaya nitong i-monitor at mas detalyado ang makukuhang mga litrato.

Ayon kay DOST Usec. Rowena Cristina Guevara, malaking tulong ang Diwata-2 upang mabantayan ang mga banta ng kalamidad at makapagbato ng ulat ng pinsala sa mas mabilis na paraan.

Mas makatitipid din aniya ang pamahalaan ng bilyong piso dahil hindi na kakailanganin ng napakaraming tauhan upang makalikom ng ulat kaugnay ng mga tatamang sakuna sa bansa.

Bukod sa disaster risk at exposure mitigation, makakatulong ng pamahalaan ang Diwata- 2 upang makakuha ng mga imahe sa bansa maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kabilang sa dalawang major feature ng Diwata- 2 ang solar panels upang mapataas pa ang power generation output nito at ang enhanced resolution camera (ERC) upang mapataas pa ang resolution ng mga imaheng makukunan nito mula sa kalawakan.

May amateur radio unit din ang Diwata- 2 na magagamit sa emergency communications at disaster response.

Nananawagan naman ang DOST sa Kongreso na isabatas na ang Philippine Space Agency Bill (PHILSA).

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Villar, Poe at Cayetano, nanguna sa pinakahuling Senatorial Survey ng SWS

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 45182

Bagaman hindi pa pormal na naghahain ng kaniyang kandidatura, nanguna sa pinakabagong senatorial survey ng Social Weather Stations (SWS) si Senator Cynthia Villar.

Batay sa resulta ng survey na inisponsor ni Secretary Francis Tolentino, nasa number 1 rank si Villar, habang kapwa nasa rank 2 to 3 naman sina Senator Grace Poe, at Taguig Representative Pia Cayetano.

Sa isang bukod na senatorial survey naman na isinagawa ng Pulse Asia noong ika-1 hanggang ika-7 ng Setyembre, pasok din sa top 5 sina Villar, Poe at Cayetano kasama si Senator Nancy Binay at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa survey ng SWS, tabla naman sa 4th to 5th spot si dating Senate President Koko Pimentel at dating Senador Lito Lapid. Nasa pang anim at pang pitong pwesto naman sina dating Senador Jinggoy Estrada at dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Pasok din sa tinaguriang magic twelve sina Senator Nancy Binay, Sonny Angara, Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa, dating Senador Serge Osmeña at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Nasa 13th to 15th place naman sina Liberal Party Senator Bam Aquino, Senator Jv Ejercito at Presidential Political Adviser Francis Tolentino.

Nasa pang labing anim na pwesto naman si Special Assistant to the President Bong Go at pang labing walo naman si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque. Subalit hanggang sa ngayon ay wala paring pinal na desisyon si Roque kung itutuloy ang planong pagtakbong senador.

Isinagawa ng SWS ang survey noong ika-15 hanggang ika-23 ng Setyembre sa isang libo at limang daang tao sa buong bansa. Tinanong ang mga ito na kung ngayon isasagawa ang halalan, sino ang iboboto ninyong senador.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

More News