Incoming Duterte administration, tiniyak na may gagawing mga hakbang upang labanan ang banta ng terorismo

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 2174

MAYOR-DUTERTE
Hindi pa naglalabas ng pahayag si incoming President Rodrigo Duterte kaugnay ng pamumugot sa ulo ng Canadian na si Robert Hall ng bandidong Abu Sayyaf.

Ngunit sinabi ni incoming Presidential Spokesman Salvador Panelo nasisiguro niya na aaksiyunan ng President-elect ang pangyayari.

Ayon kay Panelo sa kabilang ng pangyayari, nasisiguro niya na mananatili si President-elect Duterte sa kanyang ‘no ransom policy.’

Sa ngayon nasa husrisdikyon pa ng Aquino administration ang pagsugpo sa kriminalidad hanggang sa June 30.

Ngunit, sa oras na maka-upo na si incoming President Duterte, inaasahang na kikilos na ito sa paglaban sa kriminalidad sa buong bansa.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,