Incoming Pres. Rodrigo Duterte, nagpaalam na bilang alkalde ng Davao

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 3570

RODRIGO-DUTERTE
Maagang nagtungo sa Davao City Hall si Incoming President Rodrigo Duterte upang dumalo sa huli niyang flag-raising ceremony bilang alkalde ng lungsod.

Nagpaalam at nagpasalamat siya sa mga empleyado na dalawang dekada niya ring nakasama sa trabaho.

Humingi rin siya ng dispensa kung hindi na siya agad malalapitan ng mga tao ngayon dahil sa mahigpit na presidential security protocol.

Muli namang tiniyak ni Duterte na isusulong niya ang kapakanan ng mga mahihirap at mahihinang sektor sa lipunan.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: