Inisyal na listahan ng Senate bets ng PDP-Laban, inilabas na ni Senate President Koko Pimentel

by Radyo La Verdad | April 20, 2018 (Friday) | 1024

Umabot na sa dalawampung personalidad ang nasa listahan ng PDP-Laban na maaaring ikonsidera at mapili na tatakbo sa 2019 midterm elections.

Kabilang na dito ang anim na re-electionists na sina Senators Grace Poe, Sonny Angara, Cynthia Villar, JV Ejercito, Nancy Binay, Aquilino Pimentel III. Sina Representatives Ace Barbers, Albee Benitez, Karlo Nograles, Zajid Mangudadatu, Geraldine Roman, Reynaldo Umali, Pia Cayetano.

Kabilang rin sina Secretaries Christopher Bong Go, Harry Roque, Francis Tolentino, Asec. Mocha Uson, ang musician na Freddie Aguilar, Raffy Alunan, at media personality na si Jiggy Manicad.

Ayon kay Senator Pimentel, dapat magpakita na ng suporta ang mga nasa listahan sa mga isinusulong ng partido.

Dadaan rin aniya ang Senate bets sa pagbusisi ng party chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Posible aniyang sa Setyembre ay maisapinal na ang listahan ng mga tatakbo sa pagka-senador.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,