Instant noodles, ‘di kasama sa maaalat na pagkain na tataasan ng buwis —DOF

by Radyo La Verdad | June 27, 2023 (Tuesday) | 1731

METRO MANILA – Nilinaw ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, na hindi kasama sa mga maaalat na pagkain na planong taasan ng buwis ang instant noodles.

Ayon kay Diokno, bagaman maalat ang mga instant noodles, ito ang abot-kayang ulam na madalas ay pinagsasaluhan ng mga mahihirap na pamilya.

Isinusulong ngayon na taasan ng buwis ang mga pagkaing walang nutritional value gaya ng mga junk food at sweetened beverages, para matugunan ang problema sa obesity sa bansa.

Layon din nito na madagdagan ang koleksyon ng buwis na ilalaan naman para sa Universal Health Care Program.

Tags: ,