Isa ang patay at apat nasugatan matapos bumangga ang pampasaherong jeep sa poste ng ilaw sa Quezon city

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 1717

REYNANTE_BANGGA
Isa ang patay at apat ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong jeep sa poste ng ilaw dito sa bahagi ng Edsa Quezon Avenue pasado alas tres ng madaling araw.

Ayon sa nakakita sa aksidente bigla na lang tinumbok ng pampasaherong jeep ang poste at tuluyan nang bumangga dito.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Michael Espana 25.
Kala Marie Ambion 19
Weljun Bengil 21 at ang driver ng jeep na si Herminio Caid, 42 anyos
Habang dead on arrival sa hospital ang hindi pa nakikilalang biktima.

Mabilis naman isinugod sa East Avenue Medical Center ng mga rescue group na rumesponde sa aksidente ang mga sugatang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MMDA, sinabi ng driver ng jeep na binabagtas nito ang kahabaan ng Quezon Avenue nang nawalan ito ng preno kaya sumalpok sa poste ng ilaw.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,