Isa pang OFW sa Saudi Arabia, nagpositibo sa MERS-COV

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1409

IMAGE_UNTV-NEWS_07102014_DFA-FACADE

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isa na namang Overseas Filipino Worker mula sa Saudi Arabia ang nagpositibo sa  Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-COV.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose ang pasyente ay isang 41-anyos na lalaki at nagtatrabaho bilang X-ray technichian sa isang ospital sa Riyadh.

Sa ngayon ay sumasailalim na sa gamutan ang naturang pasyente sa isang ospital na eksperto sa pangagamot sa MERS-COV.

Napag-alamang nahawa ang  OFW , sa mga pasyenteng tinamaan ng C sa ospital na kaniyang pinagta-trabahuhan. ( Joan Nano , UNTV News Worldwide )

Tags: , , ,