Isa sa apat na Filipino, hindi maaaring makaboto- SWS survey

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 1326

IMAGE__101512__UNTV-News__COMELEC-logo2
Isa sa bawat apat na Filipino ang hindi maaaring bomoto ngayong second quarter ng 2015 batay sa survey ng Social Weather Stations.

Batay sa isinagawang survey noong June 5-8, 76% ng 1,200 respondent ang mga rehistradong botante na may bometrics.

Katumbas ito ng 46.6 million na mga rehistradong botante na may biometrics.

Ang nasabing survey ay mas mataas kumpara sa 75% noong Marso at 63% noong December 2014.

Lumabas din sa survey na 16% o 9.7 million ang mga botante na hindi pa nagpapavalidate ng kanilang biometrics.

Tags: ,