Isa sa mga pinangalanang sangkot sa pagkamatay ni Horacio Castillo III, nagpakita sa MPD Headquarters

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 2535

Kasama ang kanyang abogado ay nagtungo sa Manila Police Headquarters ang isa sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity,  ang 5th year law student na si Jason Adolfo Robiños.

Ito umano ang treasurer ng grupo at isa sa mga tinukoy ni John  Paul Solano na nag-organisa sa initiation rites ng nasawing UST law student na si Horacio Castillo III.

Kasama rin ito sa immigration lookout bulletin na inilabas ng Department of Justice.

Ayon sa abogado ni Robiños, wala siya sa initiation rites ni Castillo at itinanggi na alam niya ang tungkol dito

Naging matipid naman sa pagbibigay ng pahayag sa media si Robiños. Nilinaw din nito hindi na siya opisyales ng Aegis Juris Fraternity dahil inactive na siya grupo.

Pagkatapos makipag-usap sa mga pulis at magbigay ng kanilang mga ebidensya ay agad ding umalis sina Robiños sa lugar.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,