Isa sa suspek sa pagpatay kay Sudipen Mayor Alexander Buquing, nasa kustodiya na ng PNP

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 1519

Nasa kustodiya na ng PNP ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Sudipen Mayor Alexander Buquing at dalawang kasamahan nito.

Inaresto ang suspek na si Rosendo Sibayan sa kaniyang bahay sa Brgy. Butubut Norte, Balaoan, La Union sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Jaime Dijillo Jr. ng San Carlos City, Pangasinan Trial Court Branch 57.

Ayon sa PNP, nakakuha sila sa bahay ng suspek ng anim na live ammunitions at isang basyo ng bala na caliber 5.6mm ng M-16 rifle.

Dahil dito, nahaharap si Sibayan sa panibagong kaso na paglabag sa RA 10591 o Compreshensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Isasailalim ang mga nakumpiskang bala ng baril sa cross matching kung tutugma ito sa mga narecover na basyo ng bala kung saan pinaslang si Mayor Buquing.

 

Tags: , ,