Isang AFP Officer, sinintensyahan ng pagkakakulong ng Sandiganbayan dahil sa sexual harassment

by Radyo La Verdad | June 3, 2016 (Friday) | 967

AFP-logo
Sinintensyahan ng anim na buwang pagkakakulong ng Sandiganbayan 2nd division si Armed Forces of the Philippines Colonel Noel Miano Brana dahil sa sexual harassment.

Kaugnay ito sa ginawang pambabastos ni Brana sa labingwalong taong gulang na si Blanchie Candy Alcazar, ang dating kaklase ng kanyang anak na nagtrabaho bilang part-time secretary ng opisyal.

Ayon sa Sandiganbayan, ginamit ni Brana ang kanyang pusisyon bilang amo ni Alcazar para pagsamantalahan ito.

Bilang isang ama ng kaklase ni Alcazar, dapat aniya ay nagpakita ng respeto si Brana.

Maliban sa anim na buwan na pagkakulong, pinagbabayad din ng dalawampung libong pisong danyos si Brana.

Tags: , ,