Isang guro na 4 na araw nang nawawala, natagpuang patay sa Lanao Del Norte

by Radyo La Verdad | November 5, 2020 (Thursday) | 427

Nanawagan ng hustisya ang mga kaanak ng 37 anyos na guro na natagpuang patay sa Brgy. Pantar, Kulambogan, Lanao Del Norte pasado alas-3:45 kahapon (Nov 4). Kinilala ito na si Arthur Torres Jr.

Ayon sa imbestigasyon ng SOCO, nagtamo ang biktima ng 6 na saksak sa likod at dibdib at ilang laslas sa leeg.

Agad namang nadakip ang 1 sa 2 suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng PNP at AFP sa Brgy. Poona Kapatagan, Tangcal, Lanao Del Norte ala-1:14 kaninang madaling araw (Nov. 5).

Kinilala ito na si Mark Mano alyas Mai-Mai, 33 anyos. Sasampahan ito ng kasong robbery at homicide.

Patuloy naman ang pagtugis sa isa pang suspek sa karumaldumal na krimen.

(Mj Fiel | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,