Isang lalaki, natagpuang nakabulagta malapit sa Sampaguita corner IBP Road sa Brgy. Payatas, Quezon City

by Radyo La Verdad | June 26, 2018 (Tuesday) | 5179

Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, nakapila sila sa gate ng DSWD bandang alas-4 ng madaling araw nang makita nila ang dalawang motor na may humahabol na sasakyan.

Dumiretso umano sa IBP Road ang isang motor habang kumanan naman sa Sampaguita Street ang isa pa na lulan ang biktima.

Mayamaya pa ay nahulog na sa motor ang lalaki at bumulagta sa daan. Tinatayang nasa edad 20-25 ang biktima.

Idineklarang dead on arrival bandang 4:23 ng umaga sa East Avenue Medical Center ang lalaki dahil sa tama ng bala sa ulo.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ng motibo sa krimen.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,