Isang lalaki sa Michigan, ikinulong matapos mahuling hinahaluan ng lason ang kape ng kaniyang asawa

by Radyo La Verdad | August 10, 2019 (Saturday) | 134

Bilangguan ang  binagsakan  ng isang  lalaki  matapos  itong  mahuli  mismo ng kanyang asawa  na hinahaluan  pala nito  ng lason ang kanyang  kape.

Inereklamo  ni Therese  Kozlowski  ang kanyang asawa  sa Michigan  authorities  nang  mahuli  nito  na hinahaluan pala nito  ng high doses  of sleeping pills ang pinaiimuon na  kape sa kanya.

Bagamat nararamdaman  na ni Therese na   may kakaibang ginagawa ang kanyang asawa sa kanya, ginusto pa rin nitong pagbigyan ng isa pang pagkakataon ang kanyang mister, katunayan  kahit nagsampa na siya ng diborsyo taong 2018, hanggang sa panahon na ito ay  patuloy pa rin silang natutulog sa iisang bubong, ‘di nga lang magkatabi.

Hanggang isang araw, ninais ni Therese na makatiyak na talaga  sa mga pagdududa na nararamdama nya laban sa asawa, naglagay ito ng hidden camera sa kanilang bahay. Laking gulat ni Therese nang makita nito na dose-dosena palang diphenhydramine ang hinahalo nito sa kanayang iniinum na kape.

‘Di na nagtubili si Therese na isumbong nito ang asawa sa mga awtoridad sa Michigan na naging dahilan naman ng kanyang pagkabilanggo.

Tags: ,