Isang museum sa India, ipararanas sa mga turista ang buhay ng isang preso sa loob ng isang araw

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 828
Telangana jail museum (indianexpress.com)

Telangana jail museum (indianexpress.com)

Maaari nang maranasan ng isang turista kung paano mabuhay gaya ng isang preso sa loob ng isang araw sa pamamagitan ng “Feel the Jail” program ng Telangana Jail museum sa India.

Ayon kay Deputy Superintendent of Police Lakshmi Narasimha, naisip nila ang “Feel The Jail” upang mai-promote ang turismo sa dalawang taong gulang na heritage building.

Sa halagang 500 Rupees o mahigit 350 pesos, mararanasan ng turista ang buhay preso mula sa damit na suot niya hanggang sa pagkaing ibibigay sa kanya ng kanyang mga bantay.

Aatasan rin ang preso na maglinis at magtanim.

Bagama’t marami na ang tumawag para mag-inquire tungkol sa “Feel The Jail” program ay wala pang nagbabayad para maranasan ang buhay sa likod ng mga rehas.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,