Isang opisyal ng DBM, inalis sa pwesto ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | October 20, 2017 (Friday) | 1496

Kinumpirma kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang Undersecretary ng Deparment of Budget and Management ang kanyang inalis sa pwesto, ito ay dahil sa pagkakaugnay umano nito sa isyu ng korapsyon sa kagawaran.

Ngunit hindi na pinangalanan ng Pangulo kung sino ang tinutukoy na opisyal.

Noong miyerkules unang binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng “Buhay OFW” Public Service Program sa Pasay na mayroon siyang sinibak na high-ranking official.

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,