Isang PWD nag-abot ng tulong sa mga apektado ng Bagyong Ulysses

by Erika Endraca | November 17, 2020 (Tuesday) | 265

METRO MANILA – Isang Person with Disablity (PWD) ang nagtungo sa City Hall ng Marikina hindi para manghingi ng tulong kundi upang magabot ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Si Mang Romy o Romeo Menil kanyang tunay na pangalan, ay taga Baranggay Mambugan, Antipolo City na isang stroke patient. Pero hindi naging hadlang sa kanya ang karamdaman niyang ito para makatulong sa kapwa na lubos na hinangaan ng mga netizen at ng Alkalde.

Samantala tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang perang nagkakahalaga ng P12,390 na nalikom ni Mang Romy sa kanyang panlilimos sa kalsada. Patunay lamang na tayong mga Pilipino, kapos man ay nakahanda pa ring tumulong sa mga nangangailangan.

(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: