Isang residente sa Utah, nakatanggap ng package na may lamang langgam

by Radyo La Verdad | September 26, 2016 (Monday) | 700
Photo credit: mirror.co.uk

Photo credit: mirror.co.uk

Isang residente sa Utah na kinilala lamang sa Reddit username nito na Dropped-D ang nag-post ng litrato ng isang brown envelope na ipinadala sa kanya.

Ikinagulat ng nakatanggap ang package dahil naipadala ito sa maling address.

Pero ang mas nakakagulat, naglalaman ng buhay na langgam ang naturang brown envelope.

Batay sa litrato na ipinost ni Dropped-D, naka-address sa Life Studies sa Hurricane, Utah ang naturang package, at pinabubuksan din agad ang sobre dahil may laman itong buhay na harvester ants.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,