ITCZ, magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Palawan at Mindanao

by Radyo La Verdad | October 19, 2018 (Friday) | 1299

Patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang Itertropical Convergence Zone (ITCZ).

Batay sa weather bulletin ng PAGASA kaninang alas quatro ng madaling araw, patuloy na magdudulot ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang ITCZ sa Palawan at malaking bahagi ng Mindanao.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maalinsangan na panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,