Napoles at mga kaanak, kinasuhan na ng US Gov’t

by Jeck Deocampo | August 2, 2018 (Thursday) | 25664

METRO MANILA – Kinasuhan na rin ng gobyerno ng Estados Unidos si Janet Napoles, ang itinuturing mastermind ng bilyun-bilyong pisong pork barrel scam.

Ayon sa US Department of Justice, sinampahan ng conspiracy to commit money laundering, domestic money laundering at international money laundering si Napoles. Damay rin sa kaso ang mga anak nitong sina Jo Christine, James Christopher at Jeane Catherine; ang kaniyang mga kapatid na sina Reynald Luy Lim at Ana Marie Lim.

Tinatayang nasa $20-M na pera mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas ang ipinasok at inilabas ni Napoles sa Estados Unidos. Ginamit niya umano ito sa personal na gastusin ng kaniyang pamilya, sa pagbili ng bahay at lupa, at mamahaling mga sasakyan kabilang na ang $12.5-M na real state sa Southern California.

Makikipag-ugnayan din ang mga otoridad ng Estados Unidos sa pamahalaan ng Pilipinas upang ma-extradite si Napoles at ang limang kaanak nito upang mapanagot sila sa isinampang mga kaso.

Tags: , , , , , ,