Jose Manuel Romualdez, itinalaga ni Pres. Duterte na ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 2333


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jose “Babe” Manuel Romualdez bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Nagpasalamat naman si Ambassador Romualdez sa tiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Romuladez na karangalan niya ang makapaglingkod para sa bayan.

Si Romualdez ay kolumnista sa isang pahayagan at isa ring media executive.

Tags: , ,