Kadete Ng Philippine Military Academy, patay sa heat stroke

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 4866
FILE PHOTO

FILE PHOTO

Nasawi ang isang kadete ng Philippine Military Academy dahil sa heat stroke matapos ang isang road run sa loob ng Marine Base Gregorio Lim sa Ternate Cavite.

Kinilala ang kadete na si Cadet Fourth Class John Benedict Margin, nineteen years old at taga-Binangonan Rizal.

Pabalik na sana sa kampo ang kadete ng mag-collapse, agad siyang dinala sa medical dispensary ng kampo subalit nasawi na matapos subukang i-revive.

Nasa Marine Base Gregorio Lim ang cadet corps members para sa taunang joint field training exercise at military summer class.

(UNTV RADIO)

Tags: