Kakaibang washing machine, naimbento

by Radyo La Verdad | April 19, 2016 (Tuesday) | 1093

bike-washing-machine-600x450
Posible ng maging workout at fitness trend ang paglalaba dahil sa bagong imbento ng grupo ng mga estudyante sa Dalian National University sa China.

Tinawag ng mga mag-aaral ang kanilang imbesyon na “B.W.M” o Bike Washing Machine.

Nakalagay ang mga damit na isang malaking drum na nasa ibaba ng exercise bike.

Umiikot ang Bike Washing Machine na gaya ng isang washing machine sa pamamagitan ng pagpepedal.

Nakakalikha din ito kuryente na maaaring gamitin sa display screen o di kaya’y gamitin sa hinaharap.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: