Kakayahan ni Senador Grace Poe na maging Pangulo, dinepensahan ng NPC

by Radyo La Verdad | August 4, 2015 (Tuesday) | 1027

AGGABAO
Hindi pa pormal na nagpupulong ang Nationalist People’s Coalition o NPC kung sino ang mga susuportahan sa 2016 elections.

Ngunit ayon sa Acting President nito na si Isabela Representative Giorgidi Aggabao, tiyak naibibigay ng kanilang partido ang suporta kina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero sakaling magpasya ang mga ito na sumabak sa Presidential at Vice Presidential race.

Dinepensahan rin ni Congressman Aggabao ang kakayahan ng senador na maging pangulo ng bansa na inihalintulad niya kay US President Barack Obama.

Naniniwala rin si Cong. Aggabao na maipagpapatuloy ng dalawa ang mga nasimulan nang programa at mga reporma ng kasalukuyang administrasyon.

Base rin sa kanilang mga nakukuhang impormasyon, desidido na si Senator Poe na tumakbo bilang pangulo sa 2016 National Elections ngunit hindi pa rin ito masabi hanggat hindi ito nagpa-file ng kanyang kandidatura.

Sakali namang ipagpaliban ang ambisyong tumakbo sa panguluhan, ibabaling ng NPC ang suporta kay Secretary Mar Roxas.

Tags: