Kakulangan ng konsultasyon sa pagbuo ng IRR sa free college education, inirereklamo ng Kabataan partylist

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 215

Sinisimulan na ng Department of Budget and Management ang pagbalangkas  sa Implementing Rules and Regulations sa batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa mga estudyante sa state universities and colleges sa bansa.

Kabilang sa mga ahensyang kausap ng DBM ang CHED, TESDA at ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education. Subalit para sa grupo ng kabataan partylist, hindi lamang ang mga ahensyang ito  ang dapat na kinokonsulta ng DBM. Sa halip ay dapat ding isali sa konsultasyon ang National Youth Commission at iba pang grupo ng kabataan upang kunin ang kanilang mga opinyon at suhestyon.

Nangangamba ang mga ito na kung and DBM lamang ang siyang mamamahala sa pagbuo ng IRR, posibleng hindi maging ganap na libre ang tuition ng mga estudyante. Inusisa rin ng mga ito, ang anila’y pagbabawas sa pondo ng 43 SUCs na posible anilang magbunga ng paninigil ng iba pang mga gastusin sa mga estudyante.

Kwestionable rin para sa grupo, kung bakit sa susunod na taon pa plano ng pamahalaan na pamahalaan na simulan ang pagpapatupad ng free college education, gayong maari naman anilang simulan ngayong second semester.

Sa pahayag na inilabas ng grupong UP ALYANSA para sa Bayan, umapela ito sa Kongreso na madaliin na ang paghahanap sa pondong gagamitin dito upang maipatupad na ngayong school year 2017-2018.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply