Kaliwa Dam project, target matapos sa 2026   

by Radyo La Verdad | February 2, 2023 (Thursday) | 1376

Target ng Metropolitan Water Sewerage System na sa 2027 ay maramdaman na sa Metro Manila ang ginhawa na mula sa Kaliwa Dam project.

Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, sa kalagitnaan ng 2026 ay posibleng matatapos na ang proyekto.

Natagalan ang pagsisimula ng proyekto dahil matindi ang mga pagtutol ng mga katutubo sa lugar. Subalit ngayon ay suportado na ito ng mga katutubo.

“Kung nangangailangan man kami ng tubig mas higit na nangangailangan ‘yung nasa Metro Manila kaya kami naman po’y hindi nagdamot na pumayag. Bumahagi lang si MWSS dun sa kabuuang lawak nung aming pong ancestral domain na ‘yung pong MWSS nakakontrata lang sa amin ng 25 years, matapos ‘yung 25 years muling mag-uusap si katutubo at si MWSS,” pahayag ni Daniel San Jose Pranada, Pangulo ng Indigenous People, Brgy. Daraitan.

Pinawi naman ang pangamba ng mga taga-Infanta, Rizal sa posibleng pagkalubog ng kanilang komunidad gaya ng nangyari noong 2004.

Ilan sa mga benepisyo ng Kaliwa Dam ang pagkakaroon ng seguridad sa suplay ng tubig para sa 17 milyong katao sa Metro Manila at karatig probinsya nito at target na 600 million liter per day sakaling maisakatuparan ang naturang proyekto.

Bernadette Tinoy | UNTV News

Tags: ,